(via danistheflameprince)
Source: shanesmosh
Bakasyon… Sa bahay, lang nakakatamad kahit marami naman pwede gawin. Nandyan ang mga hugasin, mga labahin, mga kalat na dapat walisin, at ang mga gamit na dapat kong ayusin. Ngunit bakit ako ganito? Napapaligiran na ko ng santambak na gawain pero parang wala akong motibasyon na gumawa ng kahit na ano sa mga yun. Mas gusto ko pa ang humiga, magtxt, o kaya mag-online… “Oh kasipagan ko! Nasaan ka na? Ayoko mang aminin ngunit hinahanap hanap talaga kita! Buti na lamang may summer classes kaya may mapagkakaabalahan ako ngayong bakasyon kundi baka maging obese na ko bago pa man matapos ang bakasyon.